top of page

walang pamagat

Ernest Davis

Binubulabog ng katahimikang nakaririndi,

walang aninong susundan.

Maging ang kaisa-isang gabay ko'ng buwa'y mapupundi.


Binububuyog ang tamis ng bulaklak nitong gabi.

Ang mga talulot niya'y magsisilbing

payong na panukob sa ulan ng paghikbi.


Ako ang nawawalang bituin

sa kalawakang kaydumi.

Isisigaw ko ang hiling

sa bulalakaw na bingi.


~

Ernest, 2020

0 comments

Comments


bottom of page