top of page
Criselda Tesoro

Umiina

Updated: Oct 28, 2022


Sa mundong mapanghusga

Hindi ko alam kung paano ko kinakaya

Ang panatilihing nakatayo

ang ating mga paa

At nagagawang pakainin ng kalinga


Hindi ko alam saan ko ba nabibili

Ang iyong matamis na ngiti

Ang yakap na

nakakapagpatunaw ng aking

mga alanganin,

Sa mundong mapanghusga


Kahit sari-sari ang kasarian

Kahit sino ay maaring piliin

ang magpaka ina.

Ito ay kawanggawa

Ito ay nararamdaman,


Sapagkat ako ay umiina.

Lakas at likas na Ina


Narito na yayakapin ka

Papakinggan at dadamayan

Ginagabayan

Sumusuporta


Higit sa lahat, Ina

na naniniwala sa iyong kagalingan at kakayahan.

0 comments

コメント


bottom of page