The Appointment of Justice Cecilia Munoz Palma of Bauan, Batangas on [October 29, 1973,
born on] Nov 22, 1913
Note: November 22, 1913 po ang birth date nya and October 29, 1973 sya na appoint.
Talaarawan: Ika-tatlong Daan at Dalawampu’t Limang Tala
Habang ako’y naglilinis ng maalikabok na silid ay may napansin ako. Isang kahong yari sa kahoy at may katamtamang sukat. Mababakas pa nga ang luma nitong barnis na unti-unti nang nababakbak. Binuksan ko ito at tumambad sa akin ang ilang tila makakapal na aklat. Kumuha ako ng isa at binuksan ito.
Ika-22 ng Nobyembre, 19—
Ika-dalawampu’t dalawa na ng Nobyembre, kaarawan palang muli ng isang babae. Ngunit hindi lang siya isang babae para sa akin kung ‘di isang modelo ng katapangan at pagiging tapat sa tungkulin. Sa panahon ng karimlan, siya ay lumaban. May bahid man ang kamay ng nagtalaga sa kan’ya, siya ay nanatiling tapat at ‘di nagpabahid sa mantsa. Isa siyang mahalagang bahagi ng ating kasaysayan at marahil isa sa naging dahilan ng pagbago ng daloy ng kapalaran ng ating bansa. Isang taong matapang at hindi nagpapaalipin sa takot. Siya sana’y huwag nating kalimutan, Cecilia Muñoz-Palma ang kaniyang ngalan.
P.S. Isinulat ko ito upang paalalahanan ang kung sinomang makababasa nito sa hinaharap na manatiling tumindig sa tama kung sakali mang manumbalik ang panahong ‘di na dapat maulit.
Isinara ko na ang talaarawan at ibinalik sa kahon subalit dala ko ang alaala at leksyon.
~
John Carlo M. Hernandez, 2022
Illustration by: Aya Grace Margarito
Comments