Tao po, tao po! Sapat na ba ang limang daan, o limang libo? Upang kalimutan ninyo ang inyong dignidad at ang inyong matagal nang pinanghahawakang moralidad?
Tao po, tao po! Pabili naman po ako ng boto ninyo para kahit sa saglit na panahon ay makapamulsa ako ng salapi at makatakas sa mga kasong kinahaharap ko.
Tao po, tao po! Alam kong naghihirap na kayo kaya tanggapin na po ninyo ang bayad para sa araw na ito kahit ang kapalit pa nito ay ang paghihirap ninyo sa susunod pang mga taon.
Tao po, tao po! Sa pagtanggap mo ng bayad sa boto ay para kang nakipagkontrata sa demonyo— pangako ng pansamantalang ginhawa kapalit ng pangmatagalang pagdurusa— dahil ang iyong tinanggap ay may kapalit sa huli at higit pa sa inaasahan mo, at ng magiging anak, ang magiging singil.
Illustration by: Vincent Abbang
Comments