top of page

Sa Una Lang Yan Magaling

Renz Dominique Castro Opamil

I


Ang sabi, ang galing ay laging nasa una’t di tumatagal,

Mabilis lang mawala, napapalitan ng pagkapagal,

Na ang kislap ng pagkakatuto, eh ‘di naitatatak,

Mas makinang ang hirap, nawawala ang ikagagalak,


II


Siyang tunay ang pagdadalawang isip, kaba, at pangamba,

Sa mga CADBE studs na bumabaybay pa lang nang bahagya,

Na ang pagiging “Intern”, ay talon sa kawalang kasiguruhan,

Ngunit ‘di tayo uusad, kung panay tayo katanungan.


III


Matuto tayong matuto ng mga bagay na ‘di sa loob ng kwarto,

May mga turong hindi napapadpad sa researches at libro,

May mga taong handang umagapay, buong buhay at puso,

Ituturing kang kapamilya, magbabahagi ng pagkatao.


IV


Pumili ng tamang kumpanya at mga taong makakasama,

Ngunit patatagin din ang loob,buhayin ang pag-asa,

‘Yang kaba? ‘Yang takut? Sa una lang yan magaling!

Ngunit ang ating kagustuhang lumaban? Dapat nating idiin!


V


Isko at Iska ng CADBEng hinulma ng sining at agham,

Ito ay mga tugmang isinulat, para sa pagbaba ng pagdaramdam,

Ang pagiging taga-disenyo ay nagsisimula sa site at sa opisina,

Ang silid at kanto ng Piyupi ay simula pa lang ng pakikibaka.


VI


Ngayon, dito muna ako hihinto ng pagbibigay payo,

Malayo ka pa, ngunit tingnan mo ang naiusad mo,

‘Wag kang kabahan, at palagiang magtanong sa may alam,

Patunayan natin, na ang galing ay hindi sa una lang.

0 comments

Comments


bottom of page