top of page
Monika C. Aldecoa

February



Puso ko'y tumitibok,

hinihimok ng mga titig mo.

Papunta sa paraiso

ng mga matang nakalulunod.


Wala ka na,

hindi na ako makahinga.

Nakapanghihina.

Sana,

sana.

Nawa, sa paglisan mo...

matandaan,

na ang pagtingin sayo'y lehitimo


Puso ko'y tumibok,

hinimok ng mga titig mo.

Napunta sa kawalan,

paalam.

0 comments

Commentaires


bottom of page