Sumibol noong dekada kwarenta,
Matapos ang ikalawang digmaang pandaigdig
Mga hari ng kalsada,
Ngayon ay nasa bingit ng huling pagdasig.
Mga alagad ng batas,
Hindi naaninag ang butas
Tila bakit hindi nagiging patas,
Paano na ang byahe ng bukas.
Mga dyip na nagbitbit ng napakaraming pangarap,
Mga tsuper na naghatid sa mga patuloy na nakikibaka
Pundasyon man ay apat na gulong,
Nakasandal ay isa't kalahating dosenang sumusulong.
"Manong, para po!!"
Kayo, mga dakilang tsuper,
Ang nagsilbing kaagapay sa aming pag-uwi't pagpunta
Kaya't ang sigaw ng masa,
Sa laban na ito ay tayo ang magkasangga.
Dadasig, para sa pamilya,
Aarangkada, para sa lahat ng pumapara
Titindig, para sa bayan,
Papasada, para sa masa.
"Manong, sa tabi lang po."
Commentaires