top of page
Lea Ann Bellen

PAMANA



Aking lupang sinilangan sa gawing may silangan. Ganda'y nangingibabaw kahit itinabi sa mga dayuhan. Ang mga pamana ng kahapon ay namumukod tangi. Handang magbahagi abutin man ng gabi


Pero bakit tila may nakalimot? Pinayungan ang mga nakasalakot. Tila naubusan na ng tela panggawa ng barong at saya. Napalitan ng panaghoy ang kasiyahan sa mga nayon.


Agapang huwag mabura sa isip at sa gawa. Pamana ng kahapon na ilang dekada na nilikha. Ang ganda ng mga pamanang nakaukit sa perlas. Pilipinas, ganda mo'y hindi kukupas.



Photograph by: Louise Mortel

0 comments

コメント


bottom of page