top of page
Florence Glaze Singson

'Wag ka Papagutom



Kumusta na, arkitekto?

Nakapagpahinga ka na ba?

ang tulog mo ba'y nakumpleto na?

Nag-almusal ka na ba, nag-tanghalian, naghapunan?


Kumusta na, arkitekto?

Nakumpleto mo na ba ang walong baso ng tubig?

Ikaw ba'y nakapaglakad na, nakatakbo, nakaehersisyo?

Ikaw ba'y nakakahinga pa ng sariwang hangin sa labas ng iyong tahanan?


Arkitekto ko, pahinga ka na muna

Sumandal, huminga, at magmuni-muni

Ang pagod na kamay ay mahinang makaguhit

at ang pagod na katawan ay mahihirapang makalaban


para sa pangarap, alagaan ang sarili

andito lamang ako sa tabi mo arkitekto, kasangga mo ako.

0 comments

Comments


bottom of page