top of page
Criselda Tesoro

Numero Trenta-sais



Doon sa Binondo

Pangala'y Pablo Severo Antonio

Sa murang-edad naulila sa mundo


Porma, hugis at tinta

Natanong mo na ba

Paano malaman ang daan ng kadalubhasaan?


Ano nga ba ang kulay ng katalinuhan?

Naghahasik ng kalinangan

Teatro, komersyo at sinehan


Numero Trenta sais ang pasinaya

Ang likod nito ay dusa, kahirapan at katatagan

Ang harap ay lugar na kayganda pagmasdan


Istilong Art Deco ang dibuho

Magiting na tagalikha ng modernong mundo

Para sa bagong yugto

Sa Pilipinas, siya ang superstar ng arkitekto


0 comments

Comments


bottom of page