I
Arkitekturang mundo ng espasyo at mga tao,
Kalayaang pisikal, paggamit ng pagka sino,
Hindi lang pagtayo ng tahanan o pagbuo ng gusali,
Isang laban din ng kasarian, ngayon ay nababali.
II
Nakpil at si Mañosa , Locsin at si Antonio,
Mga tanyag na bumuo, ng ngalang “Arkitekto”
Brusko at malakas ang tanging nakikita,
Walang representasyong, tunay at mapagkalinga,
III
Noo’y puro lalaki ang may hawak ng bolpen at tinta,
Subalit sa liwanag noong 1921, babae’y nakapagsimula,
Naitayo ang bandera sa ngalan ni Mercedes Raffiñan,
Ang unang arkitekto sa Pinas at Timog-Silangan,
IV
Isang patunay din ang dala ni Aida Cruz-Del Rosario,
Na naglakas loob mag-aral sa USTE bilang arkitekto,
Simbolo ng pagpiglas sa pangkasariang pagbabawal,
Hawak ang pangarap, liisensya at kalayaang nagtatagal.
V
Ngayon ay pareho na ang karapatang mangarap,
Maaring tumahak ng kurso, at lumipad sa alapaap,
Parehong magtatayo ng ngalan ng bansa sa mundo,
Dahil ang noon ay lipas na, sa Arkitektong lumaban nang husto.
Illustration by: Rica Mae B. Pareño
Comments