top of page

MITING DE AVANCE PARA SA ELEKSYON NG SENTRAL NA KONSEHO NG MAG-AARAL, INILUNSAD



Matagumpay na inilunsad ng PUP Commision on Elections ang Miting de Avance para sa taunang eleksyon para sa Sentral na Konseho ng Mag-aaral, hapon, ngayong araw, a-bente ng Marso 2019 sa Popeye, Main Campus.

Magkaharap na inilahad ng PUP Student Party for Equality and Advancement of Knowledge o PUP SPEAK at ng Samahan ng mga Mag-aaral para sa Sambayanan o SAMASA ang kani-kanilang plataporma't mga adbokasiya na sinundan ng mainit na tanungan ng dalawang nasabing partido.

Ang naturang MDA ang siyang pormal na nagtapos ng Campaign Period na susundan ng eleksyon simula bukas, Marso 21, 2019 hanggang Marso 23, 2019. Ang bawat kolehiyo ay tatalagahan ng presinto na maaring pagbotohan ng mga estudyante at ang lahat ay inaanyayahan na malayang bumoto ng nais nilang kandidato o/at partido.

Makialam ka, CAFAtid!

0 comments

Related Posts

See All

Comments


bottom of page