top of page
Renz Dominique Castro Opamil

Matapos ang Rosas


Marahil may mga what ifs pa rin tayo.


Maraming araw na mula noong Mayo A-Nueve. Ngunit narito tayong naghahangad sa mga bagay na naihain na dati pa. Pagmamahal at malasakit na kusang binibigay.


Ngunit duwag tayo eh.


Mas gusto nating masilayan ang pagbabago habang sila ay mauupo pa lang sa silya ng palasyo. Tila ay hihintaying mahinog upang maging matamis ang prutas ng pamumuno.


Palagi tayong nagbibigay ng chance.


Natatakot tayong mahalin nang tama. Hindi alam kung paano pamunuan nang tama. Hindi natin napapansin ang mga taong palaging nariyan, bukas palad at hindi ka pag-iisipan.


What if siya ang nanalo?


Pero ibalato na natin sa kanya ang katahimikan. Ang makapagliwaliw sa saliw ng normal na buhay bilang mamamayan ng bansa. Ngunit sana ay wag nating hayaang mamatay ang pag-asang iniwan ng kanyang pagtindig.


Dahil sa isang yugto ng kabanata, mayroon sana tayong lider na maipagmamalaki.


Pula man ang namayani, ay may rosa na aninong nagbabadya ng rebulusyong internal na bubuhay sa panibagong lider. Ano ang gagawin mo, matapos ang rosas?


What if siya talaga ang nanalo?


At what if ikaw ang naatasang magkukulay ng rosas para sa aming bukas?


0 comments

Comments


bottom of page