top of page
Florence Glaze Singson

Maligayang Pask



Malamig ang simoy ng hangin,


Noche Buena'y nakahanda na at ang buong syudad maliwanag. Banaag na rin ang mga parol at palamuting dala ng kapaskuhan.



Maingay na ang bawat kalsada at rinig ang ang mga batang nangangaruling mula sa aming pintuan. Sintunado man ay mukha naman silang maligaya. Maliwanag ang lahat, ang mga ngiti, at inyong pagsasalo, nang ika'y biglang nagising.



Ang dating tatlo ay naging dalawa, ang mga plato'y bawas na, at alam mo sa sarili mo na hindi lamang ito ang paskong may kulang. Kung hindi ang mga susunod pa at kahit saan pa kayo magpunta, walang makakapuno sa espasyong naiwan ng presensya niya.



Pero pipilitin niyo, pipilitin natin, ngingiti tayo.



Iyon ang Paskong nakasanayan.



Maligaya nga ba ang Pasko? Iyon ang tanong ko habang papalapit ito sa aking kalendaryo.


0 comments

Comments


bottom of page