top of page
Maxine Naval

Magda

Sa edad na bente dos

Naglilingkod nang lubos

Dinakip ng mga kawatan

Kawatan ng ating inang bayan


May bukod tanging tumindig

Sa tapang niya'y di mo makakabig

Utak ang nagsilbing puhunan

Siya ay si Magda, hindi pagkaraniwan


Isang babae ang isinilang

Upang isulong ang kasarinlan

Isang babae ang nagsakripisyo

Para sa bansang nalulunod sa pulang dugo


At sa kanyang pag-usbong

Sa masukal na daan lumusong

Angking katapangan at katalinuhan

Inang bayan ay ipinaglaban


~

Maxine Naval, 2021


Photo by: Luchenko



0 comments

Коментарі


bottom of page