top of page
Brian Jude A. Bulat-ag

Liham Ni Lolo Sa Dulo Ng Taon


Aking Apo


Wag kang magtataka kung bakit ko ginawa ang liham na ito, nais ko sanang mabasa mo pagsapit ng taong dalawang libo dalawapu’t tatlo. Ikaw ay marahil may kasintahan na at sana hindi walo, noong panahon ko kasi ang kinaya ko lang ay pito.

Apo pakitatak sa iyong isipan marami kang makikilala at marami ding lilisan. Sa guhit ng iyong buhay mayroong linyang makakasabay, at mayroon din namang tuldok lang ngunit tila ginuhit ng isang higanteng kamay. Ang aral na nais kong maipabatid sa iyo, na sa isang daang makikilala mo maswerte ng magtagal ang sampu. Pahalagahan mo ang bawat segundo at kung magmamahal ka damhin mo ang bawat minuto. Kung makararanas ka ng kasawian alamin mo ang puno’t dulo at kung may makakaaway ka hindi mo kailangang laging manuyo.

Apo kung may lilisan mang malaking parte ng iyong buhay, yung tipong mistula kang obrang mawawalan ng kulay. Damhin mo lamang ang lungkot at wag kang magmamadali. Parte ang poot pero wag doon mananatili. Nakatadhana ka talagang magbago, masawi at hindi mapili. Ganito mo malalaman kung paano tamang mahalin ang sarili. Nang sa pagdating ng tamang panahon, at nasa harap mo na ang panibagong sitwasyon, makasisiguro kang hindi ka na magaganon.






Lolo Mong Ginanon


0 comments

Комментарии


bottom of page