top of page
The Freehand

LIHAM



Dati takot ako sa pagbabago.

Dati ayaw ko nang lumalaban.

Ayaw ko kasing mahusgahan na reklamador. Ayaw ko ring mabansagang 'di makuntento. O di kaya'y matawag na hindi marunong makatanaw ng utang na loob sa kabutihang aking natamasa.

Malaya naman na ako eh, ano pa nga ba silbi ng pakikipaglaban?

Natuto akong manahimik sa loob ng iilang taon.

Pero sa loob din nito, napansin kong makasarili ang pananahimik. Mali ang hindi pagsasalita. Hindi lahat ng tao ay may kakayahang gumawa o may kalayaang gumalaw. Hindi pantay ang pagpabor ng buhay.


Lahat nga ay may hangganan.

Pati ang takot ay may tuldok. Hindi ito parating kuwit o , ellipsis o bantas na naghahayag ng karugtong na kabanata.

Kung hindi tumindig ang iba para sa atin noon, marahil ay takot pa rin tayo ngayon.

Hindi lang sa EDSA nagtatapos ang pakikibaka laban sa pangdidikta o sa pagmando. Hindi lang din doon natatapos ang pagbibigay hustisya sa mga pinatahimik nang walang laban.

Tayo ang magiging henerasyon ng boses, ang tagapagpigil sa pagsubok nilang bumalik sa kapangyarihan.

Tagapagpaalala na hindi nang muli.

Ang magiging buhay na saksi na ang Rebolusyon ay naisasakilos na rin sa hatirang pangmadla.

Nakakatakot ang pagbabago,ngunit mas nakakatakot bumalik sa sitwasyong nagpahirap sa nanay at tatay ng mga magulang ko noon.

"Never again. "

-Mula sa apo ni Virginia

0 comments

Comments


bottom of page