Tula Para Kay Eba Ngayon
Pagkakataon, pag-asa, pagkakapantay-pantay
Ang walang sawang ipinaglalaban ng kababaihan sa lipunan
Simula’t sapul sa isip nananalaytay
Hindi naka-angkla ang kasarian sa taglay na kakayahang mag-ambag sa karamihan
Hindi mawawaglit sa isip at paninigin
Pakikipag-sabayan sa mga naghaharing-uri
Pagpupursigi sa ngalan ng pinanghahawakang karapatan
Hindi nagpapadaig ang mga kababaihan
Sa hanay ng mga propesyunal
Na batid ng lahat ay para lamang sa kalalakihan
Salungat sa ipinapakitang kagalingan
Ng mga kababaihan sa mga napiling larangan
Pagkakataon, pag-asa, pagkakapantay-pantay
Ang ngayo’y inihahandog ng lipunan
Para sa galing at husay na siyang ipinamamalas
Ng hindi basta-bastang hanay ng mga kababaihan
Komentar