Nanirahan na ang gabi. Ang sabi mo sa sarili maaga ka na makakatulog ngunit ano pa ba ang iyong tinitipa sa teklado?
Oh, nagmamadali ka ata inabot ka na ng bukang-liwayway. Hala ‘di ka pa nag agahan.
Lumipad paakyat ang araw at oras na para sa bagong karanasan at kaalaman. Sana iyong mahinuha ang kahalagahan ng trabahong iyong iniingatan.
Sabihin mo sa’kin ano na ba ang narating? Sandali, nakainom ka na ba ng tubig ngayong araw?
Patapos ka na ba?
Mukhang hindi pa dahil nais mo na malamán ang iyong mga gawa sapagkat ang bawat linya at porma ay may nakatayang mga buhay at kapaligiran para sa kanilang kaligtasan.
Teka, nauubusan ka na ata ng lakas at giniginaw ka pa, kape ka muna.
Habang nakababad ang mukha sa buntón-buntong mga papeles na aasikasuhin, nawa’y huwag kang malula. Hinga ng malalim at bigkasin ang “kaya ko’to.”
Minsan, ang isang solusyon sa bawat problema ay magpatuloy. At saka, huwag mo kalimutan humingi ng tulong kung nahihirapan ka na. Huwag mong kimkimin.
Comments