top of page
Dang Tesoro

Ikalawang Liwanag


Shh! Ang lihim na kapisanan

Wala dapat nakakaalam,

Bilang lamang ang nakakakilala sakanya

Ngunit 'di ba'y dapat malaman?


Kilala niyo ba siya?

Si Roman Basa

Ngayong petsa

Ang araw, ay sa siyam.


Sa sikretong lipunan,

Tila siya'y bituin' nalimutan

Walang ningning, hindi kilala

Porke't siya'y ikalawa.


Porket wala sakanya ang unang karangalan,

Nilimot na ba siya ng kasaysayan?


Pakatandaan ang alyas

Liwanag.

Kumikinang na sagisag

ni Roman Basa


0 comments

Comments


bottom of page