top of page
Trinah Angela C. de Castro

Hiling sa Isang Bulalakaw


Ayon sa sabi-sabi, ang pagsambit ng hiling sa isang bulalakaw ay isang kalokohan, gaya ng pagsigaw sa tainga ng isang taong bingi.


Sa mata ng batang paslit, ang ilaw na gumuhit sa madilim na kawalan ay ang ma-marka ng pag-asa na baka maaari ngang humiling kahit sa munting ilaw lamang ng buwan, o sa pagkurap ng mga bituin.


Magkataon sanang alinmang hiling ang sambitin ay mangyaring marinig.


At kung gayon man,


hiling ko ay sana hindi mapagod ang sinag ng bukang-liwayway na dumungaw sa bintana ng isang taong sa anino naninirahan.

~ Trinah de Castro, 2020

Artwork by: Jude Pevin Agbanlog

0 comments

Comments


bottom of page