top of page

El Arti

Julia Maria Kenji Quiñones



Sikip, init, haba Mga bukambibig sa hapon at umaga Mga naghahabaang pila, sikip na nakakabangga Init na tila walang sawa


Ilan lamang sa mga eksenang nadadatnan Ng karaniwang pasahero sa lungsod na abala Bawat araw sumasabak Bawat araw tila handa sa digmaan


Sa unang tingin, dama na ang pagsubok Sa papunta't paroon ng napupunong tren makikita Sa platapormang aakyatin, na tao'y gabundok Mga eksenang nakakasakal, kwentong hirap ay sagana


Sa ganitong mga pagkakataon Ang bawat isa'y hinahamon Kita sa mukha ang agod, inis, antok, at pagkadismaya Sanhi ng paligid na di kaaya-aya


Ano nga ba ang solusyon, Sa ganitong mga pagkakataon? Paanong mapapadali, Ang "commute" na pinipili?

0 comments

Comments


bottom of page