Sa kahabaan ng kalsada,
Pagkakipot ng mga lansangan
Tila nakikipagkumpetensya
Sa paghihintay at pasensya ng mamamayan
Sa tagal ng paghihintay, na inaabot ng umaga Inuubos at hinihigop ng oras ang pahingang sana'y lasap na Hindi pa doon natatapos, pagkat siksik din at naghihikaos Mga pasaherong nag uunahan, makasakay at makaupo ng maayos
Sa pilang kayhaba Sa gitgitan na walang hupa Sa bus na hinahabol Paswertihan sa mauuna
Eksenang hinding-hindi nauubos, Ano mang araw o panahon Paghihirap na dama sa umaga't buong maghapon Umuubos ng lakas at ganang makabangon
Ano ba ang mainam na solusyon? Anong makapagpapagaan ng karanasan ngayon? Anong mga tanong ang kailangangang iparating? Madama lang ang ginhawang nararapat masapit
Commenti