top of page

Bonifacio Day: “Asul at Pula”

Jomir Kyle Navarro

Illustration by: Gweneth E. Encela


Rebolusiyon!!

Isang siglo at mahigit tatlong na dekada na ang nakalilipas,

Ang inialay na pag-ibig sa bayan ay hindi pa rin kumukupas

Lumisan, ngunit ang nag-aalab na puso ay hindi pumapanaw,

Gat Andres, ika’y isang dakilang tanglaw


Katipunang ibinuwis ang buhay para sa bayan,

At bayaning namuno upang makamit ang kalayaan

Sigaw ng Pugad Lawin laban sa mga Kastila,

Inialay para sa tinubuang lupa


Bayang malaya,

Masalimuot at nananatiling dukha

Mga nasa laylayang patuloy na pinagtatabuyan,

Kaluluwang uhaw, kailan kaya mapupunan


Lupang sinilangan,

Ikaw ang aming tangan ngayon at sa nagdaan

Mananatiling nasa ilalim ang pula,

At ng asul sa ibabaw ng ating bandila.

0 comments

コメント


bottom of page