top of page

...


Inutusan ako ng hangin na lusungin ang putik, malagkit ito'ng ilog ng dugong hinaluan ng tubig.


sinubukan ko'ng hanapin ang iyak ng mga itik, sa pagpikit ay mga lawing nagtitipon sa bungong binubuhat ng lubid.


Malalim na ang sugat, halos mapatid ang litid. Hindi sapat ang retaso ni inay at sinulid.


Nauubusan na ako ng titik.


Patalim na nga lang, putik.

~ Ernest, 2020

Artwork by: Godwin Aldrich Enriquez

0 comments

Comentarios


bottom of page