top of page
Julia Maria Kenji Quiñones

Babaye


"Paano yun, babae siya?"

"Babae ka lang, hindi mo kaya."

"Ang babae, mahina."

"Delikado, kasi babae siya."


Mga pahayag na nagbabalatkayo

Mga salitang nakatago sa imahe ng malasakit

Mga bitaw na nagbabagong anyo

Mga kaisipang nagpapalabo


Sa mga matang nang mamaliit

Panghuhusga'y namumutawi

Pananaw na nababahiran ng galit

Dahil sa babaeng nakasasabay sa nakararami?


Hindi sukatan ang kasarian

Upang malaman ang papel sa lipunan

Hindi dapat iyon ang tinitingnan

Sapagkat kakayahan ang siyang magiging batayan


Daang taon na ang lumipas

Kakayahan ng kababaihan ay naipamamalas

Hindi kailanman hinayaang matapakan

Ang kababaihan may puwang sa kinabukasan


Patuloy na magpapakitang gilas

Ng kakaibang sikap at lakas

Sa mga pagsubok na mula sa kanyang lipunan

Babae lang ang siyang hindi matatawaran

0 comments

Comments


bottom of page