top of page
Gina Rose Gatchalian

Ang Taon ng Ating Laban



Ang araw na pinakahihintay

Laban na sa masa nakasalalay

Imulat ang isipan at mata

Mag paagos sa baha ng duda


Itanong sa sarili, bakit nga ba?

Paulit-ulit, dapat nga ba?

Kulay dilaw, rosas, o pula

Ito ba ay may kaakibat na halaga?


Ang kritiko ay mahalaga,

Ang mga ginawa, ito ba ay tama?

Ikaw lamang ang nakakaalam,

Nasa iyo ang huling panayam.


Walang perpektong katungkulan

Ngunit may tamang patakaran,

Mithiin ang kapayapaan

Para sa bansang sinilangan



Photograph by: Mark Joben Quirante, The Freehand Photojournalism

0 comments

Comments


bottom of page