top of page

Ang batang nakangiti tuwing pasko

Illustration by: Job Riel C. Visto


nakasilip na si Jose Marie Chan at ber months nanaman


Whenever I see the boys and girls on the streets,


Iniisip ko, pano tayo nagmula roon, papunta rito?


Alam mo na, yung ano, yung masaya talaga.


Yung kapag pasko ang iniisip mo handa, di ung ipapasa mo sa pagsapit ng bagong tao.


May family reunion naman, sige, ngingiti na lang ako.


“Condolences Ineng, alam kong masaya ang inang para sayo”


Dahil ber months, syempre ngingiti na lang ako


“May sakit ang aso mo, paumanhin at malapit na siyang mawala”


Dahil pasko at sabi naman nila magiging okay din ako, ngingiti na lang ako


Eh di’ ako naging okay


Pagkatapos kaya ng ber months, makakasimangot na uli ako?

0 comments
bottom of page