Mabigat.
Noong bata ka oo. Ngunit ngayon ay hindi lang bigas ang nakaatang sa ating balikat. O kalyo matapos makipagtayaan sa daan at madapa nang tumatawa.
Iba na ang bigat.
Hindi na ito biro. Marami na ang naging depenisyon nito at ito ay mas nagkakaroon ng diin habang lumilipas ang araw.
Ngunit sana ay matandaan mong habang ikaw ay umiimbulog paitaas ay mas malakas ang hila ng mundo.
Malayo ka pa ngunit malayo ka na.
Mabigat, ngunit mas mabigat ang mabigo mo ang batang ikaw na umasa sa paglipad mo at matupad ang tagumpay.
Hindi ito isinulat para tanda ng aking pagapapalakas ng loob na pasuko na, ngunit para maipadamang hindi ka nag-iisa sa biyahe ng 'di kasiguraduhan sa kolehiyo.
At sa pagtatapos, masasabi nating maganda ang kwentong mayroong tunggalian, mayroong bigat. Na ang ganda't tuwa ay wala sa pamagat.
Magandang umaga, alas 3 na ng umaga.
Comentarios