Sa mga araw na tila dagdag sa pagkapagod mo ang paghinga, sana ay di mapalitan ng luha ang naubos mong tinta.
Sa gabing kinukumutan ka ng dilim at lamig sa gitna ng walang humpay na paggawa, maibsan sana ang sakit ng kamay mong gumuguhit sa bawat pahina.
Sa bawat kahapon na pinipilit mong talunin gamit ang ngayon,
wag sana maubos ang pamburang pinupudpod mo para ayusin ang kada pagkakataon.
Sa kada tintang nauubos,
Sa kada pahinang dinadaanan,
Sa kada pamburang napupudpod,
Nalilikha mo ang sariling obra.
Saksi ang mga luha, sakit ng kamay, at pagpilit sa di mo pagtigil.
Nakalikha ka ng obra.
Ang sarili mo ay— Obra.
Comments