top of page
Jamaica Rose Mana-ay

#RespectMyOpinion


Nakakita ka na ba ng brainstorming na walang nag-aambag ng opinyon? Walang patutunguhan 'di ba? Kung mayroon man, iisang utak lang ang nag-desisyon at mayoryang bibig ay sumang-ayon. Pamilyar ka ba rito? Baka naman isa ang bibig mo sa tikom tuwing may diskusyon at naghihintay lamang ng hudyat kung kailan tatango.


Opinyonprodukto ng pinagsama-samang kaalaman, pananaw, at paghatol ng isang tao. Kapag pinagsama-sama ang bawat opinyon ng isang indibidwal, makikita at makikilala ang buong aspeto nitospiritwal, emosyonal, sosyal, at moral. Gaano nga ba kahalaga ang opinyon ng isang tao at ang pagpapahayag rito? Halimbawa, tinanong ka kung saan mo nais kumain. Ikaw, bilang hindi opinyonadong tao, sumagot ng “kahit saan” kung kaya’t nagtungo kayo sa kainang hindi mo nagustuhannasayang na ang pera mo, nadamay pa ang oras mo at ng kasama mo. Isa pa, nakakita ka na ba ng brainstorming na walang nag-aambag ng opinyon? Hindi ba’t matagal makatapos ng gawain o di kaya’y matagal makapag-umpisa dahil sa kakulangan ng ideya. Tila baga walang patutunguhan, ‘di ba? Kung mayroon man, iisang utak lang ang nag-desisyon at mayoryang bibig ay sumang-ayon. Sa sitwasyong ito, hindi totoong walang opinyon ang bawat isa ngunit lakas ng loob at paninindigan naman ang suliranin. Ganito kalaki ang ambag ng isang opinyon; maaaring makapagbaliktad ng isang sitwasyon.


Ngunit, ang pagkakaroon ng opinyon ay hindi libredepende sa sitwasyon. Madalas ito ay may kaakibat na responsibilidad. Kung gayon, ano ang mga libreng opinyon? Kapag ika’y tinanong kung anong pinakamasarap na lasa ng sorbetes, kung sinong banda ang pinakasikat, at kung nauna ba ang manok sa itlogiilan lamang iyan sa mga bagay na malaya kang magbanggit ng iyong saloobin nang walang napipinsala. Sa kabilang banda, ang usaping akademiko, isyung pambansa, at politikal ay nangangailan ng katotohanan, masuring pag-aaral, at tulong na teknikal at moral. Ang paglalagay ng maling opinyon sa isang akademikong gawain ay maaaring magresulta ng pagbagsak o pagpapakalat ng maling impormasyon; gayundin din sa malalawak at komplikadong usapin. Ang pagkakaroon ng kritikal na opinyon ukol sa masiselan at komplikadong usapin ay ‘singhalaga ng pag-inom ng kape tuwing umagaupang magising ang diwa. Ang mga opinyon na ito ang nagsisilbing palatandaan kung nasa tama ba ang ating panghusga gamit ang pangangatwiran at moral.


Mahalaga ang respeto sa bawat diskurso, respeto sa bawat pananaw, at respeto sa bawat indibidwal. Kadalasan, sa mga diskursong ito ating natitimbang ang kakatohanan. Hindi porke’t gumamit na ng pag-aaral at moral ay hindi na maaaring magbago ang opinyon. Ang pagkatuto ay tuloy-tuloy at ang pagkakaroon ng kritikal na opinyon ay bukas sa pagbabago at bagong kaalaman.


Nakakita ka na ba ng brainstorming na walang nag-aambag ng opinyon? Walang patutunguhan 'di ba? Ating mas naising magbigay ng kritikal na opinyonmagkaroon man ng ‘di pagkakasundo, ito nama’y para sa pagbubukas ng bagong kaalaman sa bawat panig. Mahalaga rin ang respeto sa bawat diskuro. Ngunit, kung ang opinyon ay nakakapinsala at mapang-api, mas mabuting ito’y itama.


Ikaw, isa ba ang bibig mo sa tikom tuwing may diskusyon at naghihintay lamang ng hudyat kung kailan tatango?

0 comments

Comments


bottom of page