top of page
Andrew Yumang

Pekeng Balita: Paano Hindi Magmukhang Kahiya-hiya


Nitong mga nagdaaang mga taon, maraming balitang may mga nakakaakit na laman ang pumupukaw sa atensyon ng mga netizen at marami ang napapaniwala ng mga balitang ito na malalaman ay hindi pala totoo ang laman. Marami ang nababahala dahil ito ay pinagmumulan ng mis-information at maaari ring magdulot ng kaguluhan sa taumbayan. Dahil dito, may mga news outlets ang bumuo ng fact- checking team na ang layunin ay suriin ang mga balita sa social media kung totoo ba o hindi.

Bilang isang estudyante, sa panahon ng teknolohiya, madali nating malalaman kung ano ba talaga ang totoo sa pamamagitan ng simpleng pagsearch sa google at pagbabasa ng mga artikulo na nilimbag ng mga verified na news outlets. Marami din sa atin ang nabibiktima ng mga satire posts kaya nais naming ipayo na tapusin ang pagbabasa sa articles upang malaman kung satirical ba o fake ang laman ng post o article na nakita. Nagiging satirical ang isang post kung ang laman nito ay exaggerated o ironic. Madalas sa ating mga kababayan ay binabasa lamang ang unang linya sa isang artikulo at agad na magcocomment nang hindi iniintindi ang laman ng artikulong kaniyang binasa.

Importante ang komprehensyon sa pagtuklas ng mga pekeng balita lalo ng ngayong papalapit na ang eleksyon at nagkalat ang samu’t saring propaganda at di totoong balita na nagpapabango sa pangalan ng mga pulitikong tatakbo. Maari tayong makaiwas sa panlilinlang sa pamamagitan ng pag access sa mga government websites, verified news sites, atbp. Hindi maaaring gamiting source sa pag fact check ang mga blogs o videos na basta basta lang nating nakikita sa mga social media sites dahil madali ito manipulahin at baguhin.

Bilang mga mag-aaral na may access sa internet at pinagmumulan ng lehitimong balita, maaari tayong makatulong sa pamamagitan ng pag fact check sa bawat kahina hinalang mga balita na mapapadaan sa ating news feed sa social media, lalo na sa mga di galing sa verified na limbagan ng mga balita. Ilang minuto lang ang inaabot para malaman ang katotohanan sa likod ng isang pekeng artikulo o post. Isa pang paraan upang masugpo ang paglaganap ng pekeng mga balita ay ang direktang pagreport sa mga pages o accounts na direktang nagpapakalat ng di totoong balita. Ayon sa research na ginawa ng Washington Post, 60% o anim sa sampung tao ang di nagbabasa ng articles at basta-basta na lamang itong ipinamamahagi sa kanilang news feed. Nakakabahala ito dahil maraming kababayan natin ang nasa social media at ito na lamang ang pinagmumulan nila ng balita.

Upang lagumin, mahalaga ang pagtuklas ng katotohanan sa bawat post o article na ating nakakalap. Marapat lamang na tayo ay maging mapag masid sa ating mga napapanood o nababasa sa internet lalo na ngayong papalapit na ang eleksyon. Huwag nating palampasin ang mga maling balita o mis-impormasyon na madadaanan ng ating paningin. Ilang minuto lang ang inaabot para malaman ang katotohanan sa likod ng isang pekeng artikulo o post.

0 comments

Comments


bottom of page